Biglang nanlamig ang buong katawan ko. Parang may malamig na hangin na dumaan sa likod ko kahit sarado naman ang mga bintana. Nakatitig lang ako sa screen ng phone ko, paulit-ulit binabasa ang text messege. ‘Malapit na, Geneva. Humanda ka na.’ “Gen?” tawag ni Kyla, halatang napansin ang bigla kong pananahimik. Lumapit agad siya sa akin at tinabihan. “Anong nangyari?” Hindi ako agad nakasagot. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang phone. “May nag-text ulit,” mahina kong sabi. Agad silang napalapit sa akin. Si Jessa ang unang umagaw ng phone ko para basahin ang mensahe. Kita ko kung paano nag-iba ang reaction mula sa pagiging masayahin, naging seryoso. “Grabe na ‘to,” bulong niya. “Ano sabi?” tanong ni Miya, pero ramdam ko na alam na

