She agrees without hesitation. At a café meeting, Micah finally learns the full plan. marry Damian Navarro, make him fall in love, then take a share of his billions inheritance. One year. One target. One dangerous game. But for Micah, it’s not a risk. It’s an opportunity.
***
“I’m so glad, hija, nakipagkita ka sa akin at gusto mo akong makausap,” nakangiting saad ng Ninang Giselle niya nang magkita sila sa isang coffee shop malapit sa school niya.
Naglakas-loob siyang i-chat ang Ninang niya upang sabihin na nais niya itong makausap nang personal. Agad naman itong nag-reply, kaya ngayong araw—pagkatapos ng klase—nagkita sila para pag-usapan ang lahat.
Pinili niya ang coffee shop na ito kasi mahal. Yung tipong isang latte, 250 pesos. Yung tipong hindi kayang puntahan ng Mommy niya araw-araw. Dito niya gustong magsimula. Dito niya gustong magplano.
Matapos niyang marinig mula sa Mommy niya ang tunay na pakay ng Ninang niya, hindi niya maiwasang maging interesado. Kaya siya na mismo ang gumawa ng paraan. Base sa tono ng Mommy niya, wala itong balak pumayag o bigyan man ng pagkakataon ang hiling ng Ninang niya.
Pero siya, iba. Ambisyosa siya at mataas ang pangarap niya. Kaya gusto niyang subukan kung hanggang saan ang kaya niyang gawin. Dahil bakit hindi, kung ito naman ang magiging daan para makamit ang buhay na pinapangarap niya.
“Yes po, Ninang. I really want to talk to you po,” magalang niyang saad. Magalang, pero hindi sunod-sunuran. May difference.
“Nagkausap na ba kayo ng Mommy mo?” tanong nito.
“Yes po, Ninang. Pero hindi po namin masyadong napag-usapan nang buo. Nagbanggit lang po siya ng ilang detalye, kaya ako na po ang gumawa ng paraan para makausap kayo nang personal,” mahinahon niyang sagot, hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi. _Control your face, Micah. Smile like you’re harmless,_ sa loob-loob niya.
“Ganoon ba? Mabuti at nabanggit pa sa iyo ng Mommy mo ang tungkol doon,” saad nito.
“Opo. Naikwento niya habang nagdi-dinner po kami,” tugon niya.
“I see,” tumatangong sabi nito habang dinadampot ang inumin. Nakatingin ito nang diretso sa mga mata niya, parang sinusukat ang bawat galaw niya. Parang tinitimbang kung magkano siya. Kung kaya niya. Kung hindi siya aatras.
“Ninang, I need to know more po. I want more details about it,” diretsahan niyang sabi. Wala siyang pakialam kung anong isipin nito sa kanya. Ang mahalaga, makuha niya ang impormasyong kailangan niya. Kailangan niyang timbangin kung gagawin niya ang plano—pero sa totoo lang, halos desidido na siya. Hindi magiging hadlang ang itsura ng stepson nito. Wala siyang pakialam doon. Ang mahalaga ay ang perang makukuha niya. Baka iyon na ang pagkakataon para makaalis sila sa apartment na kinasanayan nila at tuluyang maranasan ang buhay na matagal na niyang pinapangarap, ang glamorous life na hanggang ngayon ay pinapakita lang niya sa social media, pero sa totoong buhay hirap siya.
Tumawa ang Ninang Giselle niya. Maging ang pagtawa nito ay elegante—parang sanay na sanay sa buhay na marangya. Hindi tawa ng isang taong tumatawa lang kapag may nakakatawa. Tawa ito ng babaeng alam na kahit hindi nakakatawa, pwede siyang tumawa kasi maganda siya.
Napangiti siya. _Kaya ko ring matutunan iyan,_ bulong niya sa sarili. Lahat ng meron si Ninang, kaya niyang aralin. Kaya niyang angkinin.
“I knew it,” tumatawang saad nito.
Ngumiti siya at sinalubong ang tingin nito. Isa siyang matalinong babae—confident, at alam kung ano ang gusto niya. Hindi siya yung tipo na magpapanggap na nahihiya. Hindi siya yung tipo na magsasabing _‘ay, pera lang yan.’_ Pera ang lahat. At pagod na siyang magkunwari na hindi.
“Sa mga nakita ko pa lang sa social media mo, ramdam ko na agad na magkaiba kayo ng ugali ng Mommy mo,” saad ng Ninang niya. “Malayo ka sa kanya. Siya kasi, masyadong honest—laging gustong lumaban nang patas.”
“Yes po, Ninang. Hindi po talaga kami magka-ugali ni Mommy,” sagot niya. _Si Mommy, kontento na sa pagiging call center agent. Ako, hindi. Hindi ako ipinanganak para sumagot ng tawag ng ibang tao habambuhay,_ sa loob niya.
“Mukhang sa akin ka nagmana,” nakangiting sabi nito.
“Sana nga po, Ninang. Dahil napaka-successful niyo na po at nasa inyo na ang lahat,” saad niya. Flattery is free. And it works.
“Hindi pa naman,” sagot nito, bahagyang natawa. Pero alam nilang dalawa, nagsisinungaling ito. Nasa rito na ang lahat. Maliban sa seguridad. At doon papasok siya.
“So, what’s the deal, Ninang?” direkta niyang tanong.
“Iyan ang gusto ko—walang paligoy-ligoy,” sagot nito.
“I don’t want to waste my time and effort,” taas-noo niyang dagdag. _Pareho tayo. Ayaw ko rin magsayang ng oras. Oras na pwede kong gamitin para yumaman,_ her thought.
“I like you, Micah,” saad nito.
“Thank you po, Ninang,” tugon niya.
“Okay,” seryoso nitong panimula. “Ito ang sinabi ko sa Mommy mo kahapon. Tungkol sa stepson ko. May fiancée na kasi siya, at balak na raw nilang magpakasal next year. Pero mahaba pa ang next year—marami pang pwedeng mangyari. Kaya kailangan ko nang kumilos.”
Tahimik siyang nakinig. May fiancée. Good. Challenge accepted.
“Damian Navarro is the only heir,” dagdag nito.
Napangiti siya nang marahan. _Damian Navarro,_ bulong niya sa pangalan. Tunog mayaman. Maganda ang tunog ng pangalan. May dating. Parang mapanganib. Pero wala siyang pakialam. Kaya niya iyon. Lahat ng lalaki, may kahinaan. Kailangan niya lang hanapin kung ano ang kay Damian.
“Si Damian ang uupo sa posisyon ng asawa ko,” patuloy nito. “At ayon sa abogado, limang porsyento lang ang makukuha ko sa iiwan niyang yaman.” May diin ang boses nito. “At unfair iyon,” dagdag pa nito. “Ako ang nag-alaga sa kanya, habang ang anak niya nasa abroad at nagpapakasarap!”
Ipinaliwanag pa nito na dahil wala itong anak, natural na sa anak ng asawa nito mapupunta ang halos lahat—95% ng yaman. Kaya ang plano nito ay simple. Aakitin niya si Damian. Papakasalan niya ito. At kapag nag-divorce sila, makukuha niya ang kalahati ng yaman ni Damian. Pagkatapos, paghahatian nila iyon.
“Eighty percent sa akin, twenty percent sa iyo,” saad ng Ninang niya.
Tahimik siyang nakinig, pero sa loob-loob niya—_hindi ako papayag diyan._ Twenty percent? Para sa isang taon ng pagpapanggap? Para sa pagtira sa iisang bubong kasama ang isang estranghero? Para sa pag-alay ng katawan ko? Tawanan niya na lang.
Ipinagpatuloy ng Ninang niya ang pagpapaliwanag sa plano. Kapag pumayag siya, lilipat siya sa mansyon ng mga Navarro bilang pamangkin nito. Sagot na nito ang lahat—gastusin, tirahan, pati allowance na twenty thousand kada buwan. Kailangan lang niyang gawin ang parte niya.
Isang taon silang magsasama ni Damian bilang mag-asawa. Pagkatapos, divorce. At saka nila kukunin ang pera.
“This month darating si Damian,” saad ng Ninang niya. “Hindi ko alam kung kasama ang fiancée niya. Pero sana hindi para mas madali para sa’yo.”
“I understand po, Ninang,” sagot niya.
Oo, naiintindihan niya. Isa lang ang hindi niya gusto. Ang hatian. Sa isip niya, dapat mas malaki ang makuha niya. Dahil siya ang kikilos at damay pa pati katawan niya, dahil magiging mag-asawa sila at magsasama ng isang taon. Pati ang pagkabirhen niya, iaalay niya—magtagumpay lamang.
Sa panahon ngayon marami na ang hindi nagpapahalaga ng pagkabirhen at pagiging malinis na babae, pero para sa kanya, may halaga iyon. At kung isusugal niya iyon, dapat ang kapalit ay sapat—hindi barya lang.
“Bibigyan kita ng tatlong buwan, Micah,” saad ng Ninang niya. “Kailangan mahulog sa iyo si Damian at iwan niya ang fiancée niya. Baka kasi mamatay ang asawa ko na wala pang nangyayari.”
“Tatlong buwan?” ngumiti siya. “Don’t worry po, Ninang. Kahit dalawang buwan lang, sapat na para mahulog siya sa akin.”
May kumpiyansa ang boses niya. Alam niya ang kaya niya. Hindi madali pero kaya niya. Hindi lang siya maganda—alam niya kung paano gamitin iyon. Marami na siyang napahanga. Pero si Damian Navarro—iyon ang totoong hamon sa kanya.
“At sa sinasabi mong iyan,” nakangiting saad ng Ninang niya, “parang pumapayag ka na sa plano ko.”
Ngumiti siya. “Sino ba naman ang tatanggi sa ganitong klaseng oportunidad, Ninang?” sagot niya. _Bobo lang ang tatanggi. At hindi siya bobo._
Tumawa ito. “Hinding-hindi nga ako nagkamali sa’yo,” saad nito. “Unang tingin ko pa lang sa mga larawan mo, alam ko nang ikaw ang kailangan ko.”
“Hindi ko po kayo bibiguin,” sagot niya.
Talagang hindi nga. Hindi niya sasayangin ang pagkakataong ito. Ito na ang simula ng pagbabago ng buhay niya. Nang buhay nila ng Mommy niya.
“Kailan po ako lilipat sa mansyon niyo?” tanong niya.
“Anytime, Micah,” sagot nito. “Basta magpaalam ka lang nang maayos sa Mommy mo. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin.”
“Ako na po ang bahala kay Mommy,” kumpiyansa niyang sagot. “Kakausapin ko po siya.”
At kung hindi siya pumayag, aalis pa rin siya. Eighteen na siya. Legal age na.
Tumango ang Ninang niya. At sa sandaling iyon, alam niyang wala nang atrasan. Nakapirma na siya sa isang kasunduan—hindi man sa papel, pero sa sarili niya.
Isang taon. Isang lalaki. Milyong piso.
Game on, Micah. Galingan mo, ipanalo mo ang laro.