Habang naghahalikan kami, marahan niyang sinapo ang pisngi ko, at ang isang kamay niya’y gumapang pababa sa dibdib ko, huminto malapit sa sugat. Naramdaman ko ang panginginig ng daliri niya. “Dave…” bulong niya, malalim at puno ng pag-aalala. “Sigurado ka ba? Baka mahirapan ka.” Napangiti ako kahit bahagyang nangingibabaw ang kirot. “Kung ikaw ang kasama ko… kakayanin ko,” pabulong kong bigkas sabay napangiti, “at saka halos dalawang linggo narin itong naipon,” biro ko. “Kung gano’n, Commander… hayaan mong ako ang mag-debrief sa’yo ngayong gabi. Mission accomplished tayo pareho.” Bulong ni Adrian sa akin sa tenga. At parang doon siya tuluyang bumigay. Dumampi muli ang mga labi niya, mas mariin, mas uhaw. Naramdaman kong bumaba ang mga halik niya sa leeg ko, dahan-dahan, parang sinusula

