Pagkapasok namin sa apartment, hindi agad binitiwan ni Adrian ang kamay ko. Para bang mahigpit siyang kumakapit sa isang bagay na ayaw niyang mawala. “Adrian,” bulong ko, hinahaplos ang kamay niya, “nandito lang ako.” Dahan-dahan niyang isinara ang pinto, saka ako hinarap. Wala siyang salita, pero nakita ko sa mata niya ang takot, ang pagod, at ang matinding pagmamahal. Pag-upo namin sa sofa, umiling siya at napayuko. “Dave… minsan natatakot ako.” “Sa’n?” tanong ko, sabay dampi ng palad ko sa dibdib niya. “Na mawawala ka ulit sa akin. Nung mabaril ka… akala ko tapos na lahat. At ngayong nandito ka, pakiramdam ko, hindi sapat ang higpit ng pagkakahawak ko para mapanatili ka.” Nabigla ako. Hindi ko madalas marinig si Adrian na umaamin ng kahinaan. Pero ngayon, kitang-kita ko ang sugat

