Para akong nilamon ng sahig habang nakatitig sa monitor. Ang mga larawan ko—nakasabit, nakapaskil, ginawang tropeo ng isang baliw. Ang mga sandaling pribado, ninakaw at ginawang armas laban sa akin. Naramdaman kong may mga mata ring nakatitig sa akin sa loob ng van. Tahimik ang buong surveillance team, at ramdam ko ang bigat ng awa nila. Pero wala na akong pakialam—hindi iyon ang sugat. Ang sugat ay ang mismong ebidensiyang nasa harap ko. Sa comms, dumaan ang boses ni Adrian. Hindi malakas, pero mabigat at kontrolado. “Command, Alpha One here. Requesting permission to adjust position for closer confirmation.” Ramdam ko ang pagpipigil niya. Ramdam ko ang tensyon sa bawat pantig. Kung hindi ko siya kilala, iisipin kong kalmado lang siya. Pero ako, alam ko. Naririnig ko ang bagyo sa ilali

