Nanginginig pa rin ang kamao ko habang nakatutok ang mga mata sa maliit na monitor. Sa bawat segundo, mas lalo kong nararamdaman ang bigat ng sitwasyon. Hindi lang ito operasyon. Hindi lang ito tungkol sa droga o katiwalian. Personal na ang lahat. Biglang nag-flash ang isa pang feed mula sa hidden camera na naipasok ng intel sa loob. Isang kwarto—magulo, punô ng kahon ng alak at nakasampay na barong. At doon, sa pader na may corkboard, nakita ko. Mga larawan. Mga litrato ko. Nilapitan ko ang monitor, halos ilingon ang ulo ko para makita nang mas malinaw. Kuha: ako, nakatapis lang ng tuwalya papalabas ng shower room sa barracks—ang balikat ko na basa, ang buhok ko pa rin may patak ng tubig. Kuha rin habang nakatalikod ako, hawak ang cellphone, walang kamalay-malay na may lente pala na n

