Minsan, ang pinakamahirap sa operasyon ay hindi ang putukan, hindi ang habulan, kundi ang paghihintay. Nakapirme kami sa loob ng van, nakaparada sa gilid ng isang madilim na kalye sa Quezon City. Ang target: isang maliit na safehouse na ginagamit ni Ric Santos bilang “training quarters” daw para sa mga bagong recruits. Pero ngayong gabi, hindi pagsasanay ang nangyayari roon—kundi kasamaan. Ang mga mata ko ay nakatutok sa live feed mula sa nakatagong camera na naipasok ng advance unit. Mabigat ang bawat paghinga ko, ramdam ko pa rin ang kirot sa sugat sa balikat, pero pinipilit kong maging tahimik. Hindi ako dapat madiskubre ni Adrian. Sa maliit na monitor, lumitaw si Ric Santos—nakangisi, may hawak na baso ng brandy. Harap niya, nakapila ang dalawang bagong recruit. Isa, isang nasa 21-22

