Chapter 22 - A fresh start

1716 Words

“ANONG sinasabi mo sir Val?” malakas na tanong ko. Tuloyan ko nang nakalimutan na siya ang boss ko. Nanginig ang laman ko sa galit sa nalaman. “Loraine, believe me, I tried explaining—“ “Anong sinabi mo sa kanila? Hindi ako ang may kasalanan sir Val!” katuwiran ko. Nabasag na ang aking boses. Hindi ko na rin napigil ang pagtakas ng mga luha dahil sa sobrang sama ng loob. “Sumusunod lang ako s autos nila. Wala akong magagawa kung ‘yon ang desisyon nila,” seryosong sagot niya. Tinitigan ko siya saka nagsalita. “H-Hindi ba at ikaw naman ang nagbigay sa akin noong documents na dinala ko? Pakiusap sir, sabihin mo naman sa kanila na wala akong nagawang mali,” pagsusumamo ko. Napansin kong naging mailap ang mga mata ni Sir Val. Noon ko napagtanto na malamang ay ako ang inipit niya sa pagkaka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD