BAHAGYA ang panginginig ng aking mga tuhod nang marinig ko ang pagtawag sa akin ng company driver para ipaalam na naroon na kami sa address na ibinigay ni Walter. Sinipat ko ang lugar na mukhang malawak na warehouse. Sa pagkakaalam ko ay car repair shop ang pag-aari niya.
“Okay, sir. Pakihintay na lang akong matapos,” sagot ko sa driver saka umibis ng sasakyan.
“Sige po, Ma'am. Tawag na lang po kayo kapag paalis na tayo,” pahabol na bilin niya at bumaba na rin ng sasakyan. Bago ako tuloyang makapasok sa loob ng shop ay namataan ko na siyang nakikipag-kwentuhan sa isa sa mga guard ng gusali.
Napanganga ako pagkakita sa loob ng gusali. This is not an ordinary car repair shop! Unlike the typical auto repair shop, this one has a well-lit and orderly layout! Totoo nga ang sinabi ni Jean noon na ibang kalibre ang shop ni Walter. Namataan ko ang mga modernong equipment kasama na doon iyong binili ni Walter mula sa company na pinagtatrabahuhan ko. Meron ding hindi pa naka-install dahil kaka-deliver lang ng ilan sa mga iyon. Ang alam ko ay plano na ni Walter bayaran ang natitirang kalahati ng halaga ng mga equipment kung kaya nakapagtataka na may kailangan pa siyang itanong sa akin ngayon sa kontrata. Hindi na ako mapakali dahil malakas ang kutob ko na plano lang niya akong singilin ngayon!
Iniwasan kong tingnan ang mga lalaking nakasuot ng asul na coverall. Ramdam ko ang malagkit na tingin sa akin ng ilan sa kanila. Sa pinaka-dulong bahagi ay namataan ko ang maliit na opisina na may malawak na bintana. Isang lalaki ang tumatao doon at narinig ko pa ang isang unipormadong mekaniko na lumapit doon at humihingi ng piyesa ng sasakyan. Sa katabi ng opisina ay ang waiting area na may sliding door. Kita buhat sa labas ang malaking sofa at wall mounted TV. Marahil doon ang lugar kung saan nagpapalipas ng oras ang mga clients na nagpapagawa ng sasakyan. Pumasok ako sa loob at namataan ko agad ang isang babae na nakaupo sa table na naroon. Abala siya at may sinusulat sa record book. Sa mesa niya ay mayroon ding isang tambak ng mga resibo. Marahil naramdaman niya ang presensya ko kaya nag-angat siya ng tingin.
“Good afternoon, I am looking for Wal—Mr. Werner. Andito ba siya?” tanong ko.
Ngumiti ang babae at tumango. “Yes, Maam. He is at his office. Ang bilin niya sa akin ay papuntahin na lang kita doon kapag dumating ka.”
Nagtatanong ang mga mata kong nakatingin sa babae. Saan kaya ang opisina ni Walter dito? Marahil napansin niya ang pagkalito ko kung kaya tumayo siya at sinenyasan akong sumunod sa kaniya. Lumabas siya ng waiting area at itinuro sa akin ang hagdan patungo sa mezzanine floor.
“Sa taas ang opisina ni Sir Walter,” aniya. Matapos iyon ay iniwan na niya ako.
Bigla akong binalot ng matinding kaba. Hindi ko din maipaliwanag ang pakiramdam ko sa muli naming pagkikita. Mabilis kong inayos ang suot na uniform at sinuklay ng daliri ang buhok saka nagtungo sa hagdan papunta sa opisina ni Walter. Sa itaas ay malawak na space ang bumungad sa akin. Nakamamangha na carpeted ang sahig at airconditioned ang kabuuan ng silid. Sa kanan ay may sliding door na tinted. Hindi kita kung sino man ang nasa loob. Bigla akong napalunok sa isiping makakaharap ko muli si Walter. Humakbang ako patungo sa tapat ng pinto pero ilang segundo na ako doon ay hindi ko naman magawang buksan iyon.
Kakatok ba ako? O bubuksan ko na lang itong sliding door?
Inangat ko ang kamay at akmang bubuksan ko ang sliding door nang biglang kusang bumukas iyon. Napatalon ako sa matinding pagkabigla at halos manlaglag ang laman ng dala kong folder. Nang sulyapan ko ang nagbukas ng pinto ay namataan ko si Walter. Nilusob ako nang matinding kaba pagkakita ko pa lang sa magkasalubong niyang kilay.
“What? Are you just going to stand here and stare at this door all day?” iritadong tanong niya.
Ang sungit naman ng isang ito!
“Ehh, k-kasi,” hindi ko malaman kung anong sasabihin. Parang may nagbara sa lalamunan ko at tumikhim ako para alisin iyon. Bakit ba sa tuwing makikita ko ang Walter na ito ay nagkakaganito na ako? Ni hindi ko magawang magsalita ng maayos!
Hindi na hinintay ni Walter ang sasabihin ko. Tumalikod na siya at nauna nang pumasok sa opisina niya. Namangha ako sa lawak niyon. There's a sofa in the corner. Nasa gitna ang kaniyang table at agaw atensyon ang malaking painting ng sasakyan at sexy na babae na nakasabit sa wall. Napansin ko din ang isa pang pinto sa kaliwang bahagi ng opisina. His office appears seductive and masculine, and I can smell his manly cologne in the air, making it even more appealing. Mabilis kong ipinilig ang ulo dahil sa naisip. Noon ko napansin na lalong napakunot ang noo ni Walter dahil nakatingin pala siya sa akin habang nakaupo sa kaniyang swivel chair.
“Ahh..m-may itatanong ka daw sa kontrata sabi ni sir Val?” Hindi ko maipaliwanag ang unti-unting pagbilis ng pintig ng puso ko. Para bang okupado ni Walter ang buong silid at nahihirapan akong huminga. This man's presence is suffocating!
“Nothing. The contract is fine,” seryoso niyang sagot habang nakatitig sa mukha ko.
Lalo akong kinabahan at nailang sa paraan ng pagtitig niya.
“Ahh…A-Anong gusto mong itanong?” bahagyang nanginig ang aking boses. Alam kong nahahalata niya ang kaba ko.
“I think you knew why I requested you here, Loraine." Tiningnan niya ako na para bang binabasa niya ang nasa isip ko. "Pinapunta kita dito para singilin."
Tama nga ako!
“P-Pero Walter—”
“I am a businessman. Kapag may taong may utang sa akin ay agad kong sinisingil sa napag-usapang araw,” aniya na tila nalilibang sa reaksyon ko. Para siyang iyong kontrabida sa pelikula. Ramdam ko ang pagpapawis ng palad ko dahil wala pa talaga akong pera. Siya naman ay humalukipkip at seryoso akong pinagmasdan na lalong nagdala sa akin ng kaba.
Paanong nawala lahat ng tapang ko sa harap ng lalaking ito?
“H-Hindi pa kasi ako sumusweldo,” amin ko. Umaasa akong mapagbibigyan niya ako, tutal ay mayaman naman siya. “M-Magkaano ba iyong coat mo?” lakas-loob na tanong ko.
Bahagya siyang natigilan at halata ang pagkagulat sa tanong ko pero agad din siyang nakabawi.
“Let me check,” sagot niya at binalingan ang laptop na nakapatong sa kaniyang mesa. Nagtipa siya doon at matapos ang ilang segundo ay sinulyapan niya ako. “According to this store, the cost of the coat is approximately seventy thousand pesos.”
“Ha?” di sinasadyang napalakas ang boses ko sa pagkabigla. Pero hindi man lang natinag si Walter. Bagkus ay nagkibit-balikat lang siya.
“W-Wala akong ganoon kalaking halaga. Ang inaasahan ko lang ay iyong commission na makukuha ko,” pagdadahilan ko.
Sa isip ko ay kinu-kwenta ko na ang laman ng atm ko, ang sweldo na paparating at ang commission na ipinangako ni Sir Val. Pero sa kwenta ko ay hindi pa rin ang mga iyon aabot sa halagang hinihingi ni Walter. Idagdag pa na humihingi ng tulong si kuya. Kahit pa tumanggi ako kanina kay Nanay ay hindi ko naman sila matitiis.
“You mean the commission from my purchases to your company, right?” Parang bigla akong napahiya. Oo nga pala at komisyon ko iyon buhat sa mga binili niya.
“Yes. K-Kung mabibigyan mo pa sana ako k-kahit isang linggo pa.” Halos bulong lang ang aking pakikiusap dahil parang lalong nanikip ang aking dibdib nang makitang tumayo siya buhat sa kaniyang upuan at humakbang papalapit sa akin.
“I can’t wait for another week, Loraine.” He locked his gaze on mine. I cannot explain why his eyes are sparkling with anticipation.
“Pero wala pa akong ganoong kalaking halaga,” dahilan ko. Sa bawat hakbang ni Walter ay lalong bumibilis ang tahip ng dibdib ko. Nang nasa tapat ko na siya ay pigil ko na ang paghinga. Totoong kaysarap sa mata ng kaniyang perpektong mukha. Pero ang presensya niya ay may kakaibang epekto sa akin.
He gave me a serious look before speaking. “What if I told you I wasn't talking about my coat?”
“Anong? Anong ibig mong sabihin?” nagugulohang tanong ko.
“It’s been seven days. I assume the red days are over,” balewalang sabi niya.
Napanganga ako sa narinig. Is he serious? Ibinuka ko ang bibig para sana magsalita pero napigil iyon nang mabilis niya akong hilahin. Nabitin sa ere ang lahat ng sasabihin ko dahil sa isang iglap ay sinakop niya ang aking labi. Parang akong nakuryente nang maramdaman ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Pinanghina noon ang aking mga tuhod. Inangat ko ang kanang kamay at itinulak siya pero hindi man lang siya nagpatinag. Aminado akong kulang sa lakas ang ginawa kong pagtulak.
Oh, g*osh! Ito ba ang kabayarang sinasabi niya?