Chapter 16 - Revelation

2021 Words
WALTER claimed he had no feelings for me, pero sa tuwing magkasama kami ay hindi ganoon ang ipinapakita niya. Ramdam ko na may damdamin din siya sa akin. Masaya ako sa tuwing kasama siya at sa bawat araw ay nadaragdagan ang pag-asa ko na tuloyan ko siyang mapaibig. Ilang beses na ring may nangyari sa amin. And he would always hug me as if he didn't want to leave me. We’ve been to different places together at masaya naman kami. Sa katunayan, ang sabi niya ay ako pa lang ang babaeng nakasama niya ng matagal. Malaking bagay na iyon para sa akin. Hindi ko maiwasang isipin na marahil ay espesyal din ako sa puso niya. Ang ipinag-aalala ko lang ay hindi siya nagpaparamdam magdadalawang linggo na. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi ko naman ma-contact ang number niya. Sinulyapan kong muli ang cellphone at hindi ko maiwasan ang mapasimangot pagkakitang wala man lang message doon. Humugot ako ng malalim na hininga saka ipinagpatuloy ang pag-print sa mga dokumento na ipinapahanda ni Sir Val. “Bakit ka nakanguso diyan? Wala pa rin bang paramdam si papa Walter?” tanong sa akin ni Jean na napansin pala ako. Pagbalik nila ni Eddie mula sa bakasyon ay ipinaalam ko sa kaniya ang lahat ng namagitan sa amin ni Walter. “Huwag ka ngang maingay! Baka may makarinig na naman sa ‘yo!” saway ko sa kaniya. “Hmp! Eh ano naman? Dalaga ka naman at binata siya! Pakialam ba nila?” “May problema kasi dalawang linggo na siyang walang paramdam sa akin at natatakot ako,” malungkot na amin ko. Agad namang napalitan ng pag-aalala ang reaksyon ni Jean. “Loraine, hindi ko maintindihan kung anong meron sa inyong dalawa. Umayos ka nga! Ang sabi ni Eddie, sadyang wala pang naka-relasyon si Walter. He has commitment issue! Alam kong kami ang dahilan kaya nagkakilala kayo at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nasaktan ka. Hindi mo deserve ang saktan lang ng mga lalaki.” “Jean, ako ang nagdala sa sarili ko sa ganitong sitwasyon,” maiksing sagot ko. Hindi ko na sinabi sa kaniya na ako ang kusang nag-alok kay Walter ng ganito ka-komplikadong relasyon. Ang totoo naman ay tapat ang lalaki nang sabihing hindi siya naghahanap ng karelasyon. Ako lang iyong nagpipilit at ayaw humiwalay sa kaniya. “I am warning you, Loraine. You should stop that kind of setup hanggat maaga pa. Kahit magkaibigan si Eddie at Walter, magkaibang magkaiba sila.” Wala na akong nagawa kundi tumango lang sa mga sinabi niya kahit pa nga hindi ko makapa sa sarili ko ang kagustuhan na putolin ang ugnayan ko kay Walter. Naniniwala pa rin akong totoo iyong mga ipinakita niyang damdamin sa akin. Biglang tumunog ang cellphone ko at halos tumalon ang puso ko nang makitang si Walter ang tumatawag. Mabilis ko iyong dinampot at sinagot. “Hello?” sinubukan kong itago ang pananabik sa boses ngunit bigo ako. “Your car is finished,” bungad niya. Parang balewala lang sa kaniya na dalawang linggo kaming hindi nagkausap. Noong huli kaming lumabas at inihatid niya ako sa apartment ay napansin niya ang sasakyan ko. Ayon sa kaniya ay rare iyon at bagay sa akin kung papagandahin. Siya ang nag-offer na aayusin at papagandahin iyon ng walang bayad. Tumanggi ako noong una pero hindi siya pumayag dahil isang hamon daw sa kaniya ang magpaganda ng mga classic na sasakyan. “Ganoon ba? M-Maganda na ba?” tanong ko. Mamaya na lang siguro ako mag-uusisa kung bakit hindi siya nagpaparamdam. “Yeah, I’ll fetch you after work so you could see it. I…I also have something to tell you,” sagot niya. Parang bigla akong binalot ng kaba. “S-Sure. I miss you,” pahabol ko pa. Narinig ko ang paghugot niya ng malalim na hininga. “I’ll see you,” sa halip ay sagot niya bago nagpaalam. Pansin kong napatingin sa akin si Jean saka napailing. Base sa reaksyon niya ay alam kong nahulaan na niya kung sino ang kausap ko. Natutuwa ako na magkikita kami ni Walter pero kalakip noon ay ang pag-aalala. Batid kong tuloyan na akong natalo sa larong pinasok ko. Hindi na lang isang simpleng paghanga ang nararamdaman ko para sa kaniya. Mas malalim na iyon. Pagsapit ng alas singko y media ay ayos na ayos na ako. Nanunudyo ang tingin sa akin ni Jean dahil naglagay pa ako ng manipis na make up. Hindi ko na lang binanggit sa kaniya ang agam-agam ko. Wala naman kaming naging problema ni Walter sa mga nagdaang araw para mag-isip ako ng negatibo. Palabas na kami ng opisina nang makasalubong namin si Mary na nagmamadali ang mga kilos. Nakatungo siya pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang namumula niyang mga mata. Nagtatakang nagkatinginan na lang kami ni Jean. Sa mga nakalipas na linggo ay humupa na ang mga usap-usapan tungkol sa akin lalo pa at madalas makita ng mga katrabaho ko si Walter na sumusundo sa akin. Napatunayan niyon na hindi lang dahil sa deal ang namamagitan sa amin ng lalaki. “Ano kayang nangyari sa bruha?” pabulong na tanong ni Jean nang makalayo na kami kay Mary. Nagkibit-balikat lang ako. “Ewan natin, baka nakarma na.” “Hay naku, sana nga,” mabilis na sagot ni Jean. Bahagya ko siyang tinulak habang tumatawa. “Aray ko ha! Tatawa lang eh, bakit may pagtulak pa?” pagtataray niya. Natigil ako sa pagtawa nang mamataan ko ang sasakyan ni Walter na naghihintay. “Ayan na ang sundo mo girl,” bulong sa akin ni Jean. “Oh, paano? Mauna na ako sa ‘yo. Saan ka ba uuwi?” nakakalokong tanong ko. “Sa condo namin ni Eddie siyempre!” natatawang sagot niya. “Sa pagkakatanda ko wala kang condo, girl! Si Eddie lang ang meron,” pairap na sagot ko. “Ano ka ba! Ako na ang maybahay niya kaya kasali na ako doon! Sige na at baka nakakunot na naman ang noo ni Walter!” pagtataboy niya sa akin. Nginisian ko lang siya saka patakbong tinungo ang sasakyan ni Walter na naghihintay. Napansin kong kasama niya ang driver niyang si Roy kaya sa backseat sa tabi niya ako sumakay. “Hi,” malawak ang ngiti na bati ko sa kaniya. He is wearing a suit. Bagay na bagay sa kaniya at lalong lumitaw ang kagwapuhan niya. Siguro ay galing siya sa trabaho niya. Ngunit nabura ang ngiti ko nang mapansin ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya nang tingnan ako. “May problema ka?” nag-aalalang tanong ko. “What?” nagulat na tanong niya. “Para kasing…may iniisip ka,” komento ko. Hindi nakaligtas sa akin ang pagsulyap sa amin ng kaniyang driver. Tila ba maging siya ay nababahala sa tanong ko. “Nothing…it’s just that…something came up. I got so busy,” sagot ni Walter at inayos ang neck tie na para bang nate-tense siya. Hindi ako mapalagay sa nakikitang akto niya. Napaka-tahimik niya buong byahe at malalim ang iniisip. Para ngang nalimutan na niya ang presensya ko. Sa auto repair shop niya ako dinala. Magkasabay kaming naglakad papasok doon at namataan ko ang sasakyan na may cover pa. Lumapit sa amin ang tatlo sa mga tauhan niya na halata ang pagmamalaki sa mukha. “Maganda na ito, Maam. Pulidong pulido ang pagkakagawa namin,” baling sa akin ng isa. Nilingon ko si Walter na nasa likod ko na pilit ang ngiti. Hindi ko tuloy malaman kong dapat ba akong maging masaya sa pakikipagkita niya. Tinanguan niya ang mga tauhan at noon nila inalis ang cover ng sasakyan. Tumambad sa akin ang dati kong hatchback. Halos hindi ko na iyon makilala. Ang dating berdeng kulay niyon ay naging red wine na. Nabago na rin ang headlight niyon maging ang interior. Ang mga upuan ay bago na at eleganteng tingnan. “Hindi ka na ititirik nito sa daan. I am now sure that you’ll be safe driving this one. Halos bago na ang makina nito. Nasa loob na rin ang mga dokumento nitong sasakyan. I’ve asked my staff to process it para hindi ka na mahirapan,” sabi ni Walter habang lumapit sa sasakyan at hinaplos iyon. Halata sa kilos niya na gustong niya ang sasakyan. “This car matches your personality,” bulong niya na para bang ang sarili ang kausap sa halip na ako. Nakagat ko ang labi para pigilan ang mga salitang gustong kumawala sa bibig ko. Baka sa harapan ng mga kasama niya ay makapagtapat pa ako ng pag-ibig. “I love it, Walter.” I love you, Walter sana ang gusto kong sabihin, kaya lang ay ayaw kong lalo pang sirain ang mood niya. “I’m glad you love it. Ako ang nagdesign nito,” aniya na tipid na ngumiti pero bakas sa mata ang lungkot. Pinaghalong saya at takot ang nararamdaman ko dahil sa kilos niya. Wala sa loob na niyakap ko siya ng mahigpit. Paglapat pa lang ng katawan ko sa kaniya ay ramdam kong bigla siyang natigilan. Hindi din siya gumanti ng yakap sa akin. Nagtatakang lumayo ako at tinitigan siya sa mga mata. “Hindi mo ba susubukang i-drive?” paiwas na tanong niya. Unti-unti na akong nalilito sa ikinikilos niya. Parang may mali pero noong sumakay siya sa sasakyan ay sumunod na ako. Inabot niya sa akin ang susi at naupo siya sa passenger’s seat. Tinanguan niya ang mga tauhan na nagsibalik na sa kani-kanilang pwesto. Binuhay ko na ang makina ng sasakyan at akmang aapakan ko ang silinyador nang pigilan niya ako. “Wait,” aniya at inabot ang seatbelt ko. “You should never drive without wearing a seatbelt. This is extremely important, Loraine. Paano kang nakakuha ng lisensya kung iyon lang ay nakakalimutan mo?” Ngumiti ako pero hindi na nawala ang kabang kanina ko pa nararamdaman. Something is different about him now. Para bang malungkot siya. Ikinakabit niya ang seatbelt ko at nang sulyapan niya ako ay nagtama ang aming mga mata. I can see sadness and uncertainty in his eyes. I could tell something was bothering him. And it has something to do with me. Sa kabila ng kaba ko ay pinilit kong magmaneho hanggang sa makalabas kami sa auto repair shop niya. Nagsisimula nang dumilim at puno na ang kalsada ng mga tao na papauwi buhat sa kani-kanilang trabaho. My hands on the steering wheel began to shake, and I felt a lump in my throat. “What is it?” tanong ko matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan namin. Hindi siya sumagot kaya muli akong nagtanong. “May gusto kang sabihin sa akin. Ano iyon?” tanong ko sa nanginginig na boses. Nilingon ko siya na seryoso lang na nakamasid sa akin. Itinigil ko ang sasakyan sa isang tabi at binalingan siya. Noon niya sinalubong ang mga mata ko at para akong nanghina sa nabasa doon. Sandaling dumaan sa mga mata niya ang lungkot pagkatapos ay naging seryoso na siyang muli. “This will be the last time I see you,” he said firmly. Napaawang ang bibig ko sa narinig at panandaliang natigil ang aking paghinga. “A-Anong ibig mong sabihin? Bakit?” Nalilito ako sa sinasabi niya. Labis ang kirot ng puso ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga mata ngunit tiningnan lang niya ako. Wala na akong mabasang reaksyon buhat sa kaniya. “M-May nangyari ba? May nagawa ba akong mali?” tanong ko ulit. “I warned you that this would happen. I can't love you,” tipid na sagot niya na siyang humiwa sa aking puso. Nanginig ang kamay ko at hindi ko napigilan ang paghikbi. “Wala ba talaga? Wala ka ba talagang nararamdaman para sa akin? Masaya naman tayo diba? Hindi naman ako nagrereklamo—“ “We can’t continue this,” tila iritado na niyang sagot na lalong nakadagdag sa sakit na aking nararamdaman. “Why?” tanong ko. Ano bang nangyari? Bakit bigla ay nagbago ang isip niya? “Because I'm getting married.” Natigalgal ako sa narinig. Ikakasal siya? Hindi ba at sinabi niyang hindi siya naniniwala sa pag-ibig? Bakit bigla ay ikakasal siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD