“You’re getting married?” nanginginig ang boses na tanong ko. Tila bulong na lang ang huling kataga ko. Maging ang pag-usal ko sa salitang iyon ay dumudurog sa akin. Umasa ako na mamahalin niya, pagkatapos ay ikakasal na pala siya? Iyong mga ipinaramdam niya sa akin, wala lang ba iyon? Niloko lang ba niya ako? O masasabi ko bang niloko niya ako when he’s been honest from the very start. “I…I thought you don’t believe in marriage and love?” mapait na tanong ko. Hindi ko inalis kay Walter ang mga mata. Unti-unting umahon ang galit ko nang hindi man lang siya sumagot. “Ano? Hindi ka man lang sasagot? Sinong papakasalan mo? Siya ba ang mas bagay sa ‘yo? Mayaman din ba siya?” sunod-sunod na tanong ko. The pain of rejection has finally hit me. “You don’t need to know,” maiksing sagot niya. L

