“Dorcas?” Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mukha ni Talitha nang siya ang mabungaran sa labas ng bahay ng mga ito. Nakatira si Talitha sa middle class subdivision na ito sa bayan ng Zaragosa kasama ng ama at ng kapatid na si Misty, ang bestfriend ng ate Daphne niya. “Oh, bakit para kang nakakita ng multo?” nang-uuyam na tanong niya. Nang tinangka ni Talitha na isara ang dahon ng pinto ay malakas niya itong itinulak. Napaurong ang dalaga kung kaya malaya siyang nakapasok sa loob ng bahay. Putlang-putla si Talitha. Nangangatal ito sa takot. Mukhang alam na kung ano ang sadya niya. “D-dorcas, let me explain…” kandautal na wika nito. Ngunit hindi na niya ito binigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag. Mabilis niya itong sinu

