Nang hindi pa rin kumilos si Dorcas ay tinawid na ni Errol ang distansya sa pagitan nilang dalawa. Masuyo niyang inilagay ang dalawang palad sa balikat ng dalaga. Iniiwas ng dalaga ang mga mata sa kanyang mga titig. He could feel her resistance. May kaliitan si Dorcas para sa taas niyang mahigit na anim na talampakan. Sa tantiya niya ay limang talampakan at dalawang pulgada lang ito kung kaya kailangan pa niyang itingala ito gamit ang kanyang mga daliri sa baba nito. Pilit niyang hinuli ang mga mata nitong umiiwas na tumingin sa kanya. “Ayokong naiilang ka sa akin, Dorcas, lalo na pagdating sa s*x. Kapag naging mag-asawa tayo, gagawin naman natin ito nang mas madalas pa. Kaya ngayon pa lang ay gusto kong maging komportble ka na sa akin.” “Kailangan b

