“Paano na tayo ngayon?” malungkot na tanong ni mommy Elaine nang ibinalita ni Dorcas ang pagkakatanggal niya sa pagtuturo. Lalong sumigid ang kirot sa kanyang dibdib dahil sa nakikitang pagkabahala ng ina. “Maaayos ang lahat, mommy. Basta huwag tayong titigil sa pananalangin.” Pilit niyang pinalalakas ang loob ng ina kahit siya mismo ay pinanghihinaan na rin. Napabuntong-hininga si mommy Elaine. “Paanong maaayos ang lahat? Alam mo namang ubos na ang savings natin at nakasanla sa bangko ang iba nating ari-arian. Patuloy ang gamutan sa iyong ama. Marami tayong bayarin. At malaki ang gastos sa mga court hearing. Idagdag pa ang pang-araw-araw nating gastusin.” Napatungo si Dorcas. Nakadama siya ng guilt. Alam niyang nakadagdag pa siya sa suliranin ng kan

