Errol Durano Mondego

1751 Words
Matapos basahin nang mabilis ang balita tungkol kay Richmond Zapanta ay humahangos na bumalik sa kanyang silid si Dorcas upang tawagan si Talitha. Hindi niya inalintana ang pagtawag ni mommy Elaine sa kanya. Nang makapasok ng silid ay agad niyang ikinandado ito. Nanginginig ang mga kamay na hinagilap niya ang cell phone sa loob ng kanyang bag at ni-dial ang number ni Talitha. Matagal bago sinagot ni Talitha ang kanyang tawag. “Hello,” sabi ni Talitha na tila inaantok pa. “Talitha, nabasa mo na ba ang headline sa local newspaper ng lalawigan natin?” Hindi magkandatuto si Dorcas sa pagtatanong. Gimbal pa rin ang kanyang buong pagkatao. Naghikab muna si Talitha bago sumagot. “Kagigising ko lang, friendship. Bakit, ano’ng meron?” “Si Richmond Zapanta? Naalala mo ba siya?” “Sino naman iyon? Wala akong kilalang Richmond…” “My God,” singhal ni Dorcas kay Talitha. Natampal tuloy niya ang sariling noo dahil sa pagkaasar sa kaibigan. “Puwede bang bumangon ka na diyan? Maghilamos ka at balikan mo kung anu-ano ang nangyari sa atin kagabi?” “Ano ba’ng nangyari kagabi? Hindi ba nagpunta tayo sa Lightning bar? Uminom tayo? Ay, ako lang pala dahil ang sabi mo ay hindi mo gusto ang lasa ng alak?” “Pagkatapos…” “May nambastos sa ating mga lalaki. Dalawa yata sila…ay mali…tatlo sila. Oo nga. Tatlo sila. Isang guwapo, isang mataba at isang maliit na payat.” “Sige, ituloy mo, Talitha,” susog niya sa kaibigan. “Sa pagkakaalala ko, type ako noong guwapo pero sinupladahan mo siya. Ganyan ka naman lagi, eh. Suplada ka sa mga anak ni Adan. Parang bitter ka na ewan.” “My God, Talitha! Ano pa? Ano pa ang naaalala mo?” Halos maubos na ang pasensiya niya sa kaibigan. “Pagkatapos sinundan nila tayo sa parking area at…” “At ano?” “Ano nga ba ang sumunod na nangyari, friendship?” “Ano ka ba, Talitha? Hindi ba gusto kang kunin noong tinawag na Richmond? At pilit na isinasakay ka sa kanilang kotse?” “Ay, oo. Pero hindi natuloy dahil…lumapit ka at…sinaksak mo siya…Ginamit mo sa kanya iyong maliit na kutsilyo na binili mo noong nagpunta tayo sa Taal, Batangas.” “Correction, Talitha. Nasaksak ko si Richmond, hindi sinaksak. At nagawa ko iyon upang ipagtanggol ang ating mga sarili, lalo ka na dahil kursunada ka ni Richmond.” “My God!” bulalas ni Talitha. “Naaalala ko na, friendship. At pagkatapos ay umalis na agad tayo roon sa takot na may makakita sa nangyari at hulihin tayo ng mga pulis. Ano na kaya ang nangyari sa kanya?” “N-napatay ko siya, Talitha.” Halos hindi lumabas sa bibig ni Dorcas ang mga kataga. Maging siya ay nayayanig pa rin ang buong pagkatao sa nalaman ngayong umaga. Hindi niya napigilan ang pangangatal. “Napatay mo? Sigurado ka?” “Sigurado ako. Headline ang pagkamatay niya sa local newspaper natin.” “Paanong nangyari iyon? Maliit lang naman iyong kutsilyo na ginamit mo, di ba?” “Sang-ayon sa balita ay napuruhan ang kanyang atay. Nadala daw agad sa ospital at inoperahan pero namatay din kaninang madaling-araw.” “It’s impossible, friendship. Parang hindi kapani-paniwala iyon.” “Ako man ay hindi makapaniwala, Talitha. Wala akong planong patayin siya. Self-defense lang ang ginawa ko. God knows, hindi ko intensyong pumatay.” Halos maghisterikal na si Dorcas. “Ssssh, calm down, friendship,” alo ni Talitha sa kanya. “May suspect na ba ang mga pulis? Nabanggit ba ang pangalan mo sa balita?” “Hindi. At wala pang suspect ang mga pulis. Pero may witness, hindi ba? Iyong dalawang kasama niya?” “Sa tingin ko ay si Richmond lang ang nakakakilala sa iyo at patay na siya. So, paano nila tayo ituturo?” “Maliit lang ang bayan ng Zaragosa, Talitha. Puwede tayong pagawan ng facial composite para matunton tayo.” “Madilim naman sa loob ng bar at sa parking area. Isa pa ay lasing din ang dalawang kasama ni Richmond. I doubt kung naaalala ng dalawang iyon ang mga mukha natin.” “Ewan ko, Talitha.” Nanlulumong napahagulhol na lang si Dorcas. “I cannot afford to be jailed. No. Not at this moment. Kailangan ako ng pamilya ko.” “Relax, friendship. Sino bang may sabing makukulong ka? Not unless pumunta ka mismo sa mga pulis at aminin mo ang nagawa mo. Parang natatandaan ko na sinabi mo kagabi na wala tayong gagawin kundi manahimik. So, iyon ang gagawin natin.” “Hindi mo ako ipapahamak?” “Ano ka ba? At bakit ko naman gagawin iyon? Nagawa mo iyon dahil sa pagtatanggol mo sa akin, di ba? Sikreto natin iyon. Ang gawin mo ay kumilos ka ng normal para walang makahalata sa iyo. Iyon bang parang walang nangyari.” “Sige. Ganoon nga ang gagawin ko. Sana’y kayanin ko ito, Talitha.” “Kaya mo iyan. At salamat nga pala,ha? Kung hindi dahil sa pagtatanggol mo sa akin ay hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa akin ngayon.” Nakagat niya ang pang-ibabang labi sa sinabing iyon ng kaibigan. Oo nga at naipagtanggol niya ito. Pero siya naman ngayon ang nalalagay sa alanganin. Matapos magpaalaman ay pinutol na ni Dorcas ang tawag. Ibabalik na niya ang cell phone sa loob ng kanyang bag nang isang text ang pumasok dito. Wala sa loob na binasa niya ito. Galing ito sa kanyang department head, si Dr. Maricris Carpio. “The new PSU President wants to meet all faculty today in a simple President’s call. Program starts at 11:00 am. You are expected to come.” Napabuntong-hininga siya. Masama nga ang pakiramdam niya kaya siya nagpaalam na hindi papasok ngayong araw. Pero mukhang kailangan pa rin niyang pumunta ng pamantasan dahil sa imbitasyon na ito. Isang simpleng dark blue dress ang napiling isuot ni Dorcas para sa program. Bahagya siyang naglagay ng pulbos at lipstick para itago kahit papaano ang hapis niyang mukha dahil sa iniindang sakit at problema. Sanay naman ang kanyang mga co-teachers sa simpleng itsura niya kung kaya hindi naman siguro magiging big deal kung hindi siya mag-ayos ng sarili para sa simpleng okasyon na ito. Pagkatapos dumaan ng drug store upang bumili ng omeprazole ay dumiretso na siya sa PSU. Habang daan ay ka-text niya si Talitha at nagkasundo silang doon na lang magkita. Sa convention hall ng pamantasan ang venue ng program. Dinatnan niya ang mga co-teachers and staff na naghahanda para sa pagdating ng bagong pangulo ng PSU. Agad niyang hinanap si Talitha. Nakita niya ito sa isang mesa kasama ng iba pang faculty ng tourism department. Kumaway ito sa kanya nang magtama ang kanilang mga paningin. “Ano ka ba, friendship?” bungad ni Talitha nang makaupo siya sa tabi nito. “Mukhang kagagaling mo lang sa kama. Hindi ka man lang nag-make up at nagsuot ng medyo bonggang damit.” Sumimangot si Dorcas. Sanay na siya sa kaprangkahan ng kaibigan at sa madalas nitong pagpansin sa kanyang pisikal na kaanyuan ngunit hindi pa rin maiwasan ang paminsan-minsan niyang pagkapikon sa pamumuna nito. Sosyal at seksi kasing magdamit si Talitha kaya ngmumukha siyang alalay kapag kasama ito. “Para ano? Hindi naman ito beauty contest, di ba? Saka napilitan lang akong pumunta rito. Ang totoo ay hindi maganda ang pakiramdam ko.” “Gaga,” mahinang singhal ni Dorcas. Hindi nga ito beauty contest pero ito ang araw na makikilala natin ang bagong president ng PSU.” “Eh, ano naman ngayon?” singhal din niya. “Bakit parang excited ka?” “Paano namang hindi ako mae-excite? Ang balita nga ay certified bachelor at sobrang yaman at guwapo daw ng bagong president na iyon.” “Sus.” Pumiksi siya. “As if papansinin naman tayo noon.” “Hindi tayo. Ikaw lang ang magpapapansin. Hindi ko type ang lalaking malaki ang agwat ng edad sa akin. Remember, I am only twenty-three at sa naririnig ko ay nasa early thirties na siya kaya buong puso ko siyang ipinauubaya sa iyo.” Tumirik pa ang mga mata ni Talitha na parang nang-aasar. “At ako? Di ba pareho lang tayong twenty-three?” “Oo nga. But you need an older, mature man who can understand you more. A man who can hold and control you. I know how elusive you are, friendship. Takot ka sa lalaki at sa isang malalim na relasyon. At gusto kong isisisi iyon sa maling trato sa iyo ng daddy mo.” Marahan siyang tumango tanda ng pagsang-ayon sa mga sinabi ng kaibigan. “Idagdag mo pa ang eskandalong kinasangkutan ng aming pamilya dahil kay ate Daphne. At pakiramdam ko ay lalong maggragrabe ang aking kondisyon dahil sa krimeng kinasangkutan ko naman kagabi.” “Ano ka ba, friendship. Kinasangkutan ‘natin’. Kasama mo ako sa laban kung mayroon man. Nagawa mo iyon dahil sa akin at tinatanaw kong malaking utang na loob iyon.” Ginagap ni Talitha ang kanyang kamay sa ilalim ng mesa at mariing pinisil iyon. “Hinding-hindi kita pababayaan, friendship. Pangako, sasamahan kita saan man tayo makarating.” Mapait na ngumiti si Dorcas. Tanging si Talitha na lamang ang meron siya. Walang pakialam sa kanya ang amang si Rodante dahil puro pansarili lamang ang iniintindi nito. Samantalang ang kanyang ina naman ay nananatiling passive dahil sa labis na pagmamahal nito sa asawa. Ang kanyang ate Daphne naman ay nasa malayong lugar. Nasa ganoon siyang pag-iisip nang biglang ini-aanounce ng emcee ang pagdating ng bagong PSU president. “Ladies and gentlemen, it’s an honor to announce the arrival of the new PSU president, Atty. Errol Durano Mondego.” Napamulagat si Dorcas sa narinig. Awtomatiko siyang lumingon upang makasiguradong hindi siya nagkamali sa pangalang narinig. Lalong nanlaki ang mga mata niya nang makita si Errol Mondego kasunod ang iba pang key personnel ng pamantasan na naglalakad papasok ng convention hall. Sa tingin niya ay lalong gumuwapo ang binata sa suot nitong mamahaling black suit. Matipid itong ngumiti at kumaway sa mga taong naroroon. Napalunok siya. Higit kailanman ay ngayon lang niya nabistahang mabuti ang kakisigan ni Errol. Ibang-iba pala kapag ganitong hindi siya nakikita at kinukulit ng lalaki habang nasa gitna ito ng mga palakpak at paghanga. Hindi maikakailang taglay din nito ang karisma at kapangyarihan ng isang Mondego.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD