Chapter 36: Ancient Technique Trial! 'Ito na naman?' isip ni Zac. Katulad sa hindi niya maipaliwanag na dahilan noong nasa Ipan Village siya, lumalakas na naman ang t***k ng dibdib niya. Wala naman na siyang nadadamang puso sa loob ng katawan niya pero bakit ganito? Ngayon, ang hindi pa pamilyar sa kaniya na mga naka-ukit na sulat sa bato ang naging dahilan. [Master, kailangan mo lang banggitin ang salitang '******* ***** ****' para masimulan mo na ang Trial. H'wag kang mag-alala, hindi ka naman mamamatay katulad ng mga taong babanggit nito na hindi nakatadhana para subukang tapusin ang Trial. Ikaw ang nakatadhanang tatapos ng Ancient Trial para maging sigurado na ang pagbabalik mo.] 'Nakatadhana? Posible kayang ako ang tinutukoy rito? Marami na ang mga nangyari simula nang bigla na la

