Chapter 35: (2) Nang maging matagumpay sa pagkain ng dalawang tao ang Wild Serpent, hindi na nito hinabol ang ibang Adventurer na tumakbo sa magkakaibang direksyon. Mayroon pa ngang isang tao na sobrang lapit sa kinaroroonan ng ahas dahil mukhang papunta sa ahas talaga ang tinahak nitong direksyon simula pa lang nung una. Pero sa hindi matukoy na rason, tinanggihan ng ahas ang libreng pagkain na nakahanda na sa harap niya. Gumapang papasok sa mas malalim na parte ng gubat ang dambuhalang ahas. Pinili naman nito ang daanan na sumasapat sa kaniya ang espasyo kaya ang mga puno sa paligid ay hindi na nawasak katulad ng nangyari sa mga puno noong hinabol niya si Zac at Albert. Tuloy-tuloy lang na gumapang ang ahas sa loob ng tatlong oras, huminto lang ito nang mapunta na sa tanawin niya an

