Chapter 35: Wild Serpent! Ang Ancient Realm ay isang napakagandang lugar. Makikita rito ang mga uri ng puno na hindi nakikita sa Miraven Kingdom, kahit ang lupa ay ibang-iba kumpara sa normal na lupa. Ang nag-iisang negatibong mayroon ang napakagandang tanawin ay ang hangin sa paligid nito. Nagbibigay ng pakiramdam na mapanganib ang hangin sa paligid, kahit ang mga ordinaryong tao na walang karanasan sa mapanganib na sitwasyon, mapapansin pa rin ang kakaiba sa hangin. At nagiging ganito lang naman katindi ang hangin 'pag ang panganib sa paligid ay ibang level. Noong una ay tahimik lang ang mga puno sa paligid. Maririnig lamang ang mga ihip ng hangin na tumatama sa mga dahon ng mga puno na lumilikha ng mahinang tunog, subalit ngayon, maririnig na ang mga punong bumabagsak sa lupa at ang

