Chapter 26: Danilo. Sa malawak na patag na lupain ay makikita ang pigura ng isang binata na nakalupasay sa sahig habang nakapikit ang mga mata. Sa tabi ng binatang ito ay ang maton na lalaki na nakangiting nilalaro ang ibon na nakadapo sa likod ng kamay niya. Ang dalawang ito ay si Roy at Zac. Isang taon na ang lumipas pero narito pa rin sila sa kanilang eksaktong lugar noong unang punta nila rito. Biglang nabalot ng hangin ang paligid ni Zac at lumiwanag din ng kaunti ang katawan niya. Saktong naglaho ang liwanag ay kumalat sa lahat ng direksyon ang hangin kaya may dumiretso rin kay Roy. Mabilis na nagsiliparan ang mga ibon na nakadapo sa kamay niya nang madama nila ang panganib na dala ng marahas na hangin. Nang mawala na ang hangin na nakapalibot kanina kay Zac ay bumukas ang mga m

