Chapter 25: Outer Elders. "Analisa," Kalmadong sabi ni Danilo nang makita niya ang nagsalita. "Mn? Kung kilala mo ako ay mas mapapadali para sa'tin ang gagawin namin. Kayo riyan sa taas, kuhanin niyo na at itabi sa storage ring ang mga bangkay ng halimaw." Utos ni Analisa na mabilis sinunod ng mga kasama niya. Isa-isa namang tumango ang mga kasama ng babae. Sabay gumalaw ang iba at lalakad na sana palapit sa mga halimaw na napatay ni Danilo. Pero napahinto sila nang makarinig sila ng mapangkutyang tawa. "Pfft. Fuhahahaha." Humalikhik sa tawa ang binata sa kaniyang nakitang binabalak ng mga kalaban. Tila hindi siya makapaniwala sa nakikita, marahil kahangalan ito o may iba pang nakikitang ibig sabihin si Danilo sa kilos ng mga ito. "Anong tinatawa mo?!" Inis na tanong ni Analisa. "Ba

