Chapter 24: Start! Mortal Defying Sect Yearly Hunt Competition, ito ang pinaka-inaabangan ng bawat Outer Disciple kada taon. Ngayong araw rin magaganap ang kompetisyon na nabanggit, kompetisyon na p'wedeng magbago ng katayuan ng mga ranggo sa bawat pangkat. Sa madaling salita, ito ang pagkakataon na dapat seryosohin at paghandaan ng mga Outer Disciple na nasa pinakababa. Ang mga Outer Disciple ay kasalukuyang nasa labas ng Sect. Sa malawak na patag na sahig ng maliliit na damo. Limang grupo ng mga Disciple na nakahilera ang magkakatabi. Lahat sila ay naka-pila at pantay-pantay pa ang mga ito. Sa gitna ng limang grupo ay ang pangkat ng mga Disciple ni Outer Elder Wang. Nakasuot ang matanda ng puting balabal na mayroong kakaibang disenyo na eksklusibo lang para sa mga Outer Elder. Nas

