Chapter 13: You Forced Me! Mira City Kasalukuyang nakatusok sa katawan ni Kekai ang mga armas ng walong kalaban. Nakapikit na ang mga mata nito na wari'y patay na siya pero biglang naglabas ng healing potion ang nakasuot ng pulang roba na nasa harapan ni Kekai. Rank 2 ang healing potion na magiging sapat lang para makaligtas siya sa bingit ng kamatayan, pero kahit makakatakas sa kamatayan ay hindi magiging sapat ang mana para bumalik ang lakas niya. Kahit maglakad ay siguradong mahihirapan siya dahil sa dami ng sugat na natamo at dugong nawala sa katawan. Hinila na ng walong adventurer ang mga armas nilang isinaksak. Matapos gumana ang epekto ng healing potion ay nagkabuhay ang katawan ni Kekai at namulat ang kaniyang mga mata. "Hindi kapa puwedeng mamatay. Sa oras na mapatay namin an

