Chapter 62: The Result! Natahimik si Riki at awtomatikong huminto ang katawan niya sa pagsugod. Ang kanina niyang kampanteng mukha ay napalitan ng matinding gulat, gulat na naging panlulumo at hindi kalaunan ay naging ekspresyon na hindi makapaniwala sa nadarama. "Paanong?" Hindi makapaniwalang bulalas niya habang nakatingin sa papalapit na dambuhalang kamay na parang hawak nito ang lahat ng lakas na p'wedeng mai-alok ng mundong ito. Masiyadong masidhi ang presyur na dala ng skill na pinakawalan ni Roy. Hindi makagalaw ang katawan ni Riki kaya wala siyang nagawa kundi tumingin lang sa dambuhalang kamay na dadakma o hahawak sa kaniya. Wala rin siyang kamalay-malay na bakas na pala sa mga mata niya ang kaunting inis dahil malinaw na Peak Rank 8 o mas mataas pa rito ang antas ng atakeng na

