Chapter 61: Richard Goodman's Scheme! Goodman City Ang dating malinis at mabangong silid ay umaalingasaw na ngayon sa baho. Mayroong dalawang pigura ang makikita sa loob ng silid na ito, ang silid ring ito ang pinamamalagian at pinagkulungan ni Bayman Goodman nang halos mawala siya sa katinuan dahil sa matinding takot. Ang dalawang bangkay na nakahandusay sa sahig ay ang katawan nina Bayman Goodman at Richard Goodman, parehas umaapaw ang mga dugo sa butas na dibdib nila na wari'y dinukot dito ng halimaw ang kanilang mga puso. Ang dalawang matanda na ito ay kilala bilang Family Head ng Goodman Family at ang henyong si Richard Goodman. Sabay nilang sinapit ang karumal-dumal na pagpaslang sa kanilang mga buhay. Featherson City Kasabay ng pagkamatay ng dalawang Goodman sa Goodman City

