Chapter 31: Moving for token! (1) Mabilis na lumipas ang oras. Ang isang linggo ay parang isang araw lang sa bilis ng panahon, at sa isang iglap ay lumipas na agad ang dalawang buwan nang matapos ang ang kompetisyon sa pagitan ng mga Outer Disciple. Ang mga impormasyon tungkol sa Ancient Gate ay hindi na sikreto. Ito ang naging dahilan noon kung bakit muntik nang magkaroon ng matinding digmaan ang Royal Clan laban sa Noble Faction, kaya wala sino man sa mga lungsod ang hindi nakakaalam tungkol sa pagbubukas nito. Siyempre, maliban sa mga bata o mga adventurer na madalas mag-isa at walang pakialam sa mga nagaganap sa labas ng tinutuluyan nilang lugar. Ang mga napiling papasok sa Ancient Gate ay ang limang pinakamalakas na mga Inner Disciple. Sa limang ito ay nasa Rank 6 Mid Stage na ang

