Chapter 31 (2) Tahimik na naglalakad ang binatang nakasuot ng brown na balabal katabi ng matanda. Patungo sila ngayon sa Inner District para sa binabalak ni Zac Morgan. "Sigurado ka na ba talaga Zac? Masiyadong mapanganib ang Ancient Gate at napakaganda pa naman ng kinabukasan mo. Malaking kawalan ito sa Sect 'pag napahamak ka sa loob ng Ancient Gate." Nag-aalalang pangungumbinsi ng matanda kay Zac. Noong una ay hindi ito makapaniwala sa binanggit sa kaniya ni Zac na kagustuhang mapabilang sa mga papasok sa Ancient Gate. Gayunpaman, humahanga pa rin siya dahil sa katapangan na pinapakita nito. "H'wag po kayong mag-alala Outer Elder Li, wala pong mangyayaring masama sa'kin." Ngumiti pa ang binata para pagaanin ang loob ng matanda. Talaga ngang sinsero at pinapahalagahan ni Outer Elder Li

