Chapter 21: Edo Dungeon!!! "Ano pala ang kailangan mo?" Tanong ni Zac kay Analisa. Pero base pa lang sa mga tingin na nakikita niya sa mga mata ng babae, alam niyang hindi na maganda ang nais nito sa kaniya. "Gusto ko lang makipagkaibigan. Ako nga pala si Analisa." Nakangiti ng pagkatamis-tamis si Analisa na naghaya ng kamay niya sa harap ni Zac para makipagkamayan dito. "Ako si Zac." Maikling pagpapakilala niya at tinanggap ang kamay ni Analisa. Matapos magpakilala ay umupo na ang dalawa sa kanilang lamesa at sinimulang kumain. "Gusto mo bang kumuha ng misyon? May nakita akong misyon na kailangan ng dalawang Outer Disciple. Ano sa tingin mo?" Masiglang alok ni Analisa. Kung normal na tao ang makakakita sa maaliwalas at kaakit-akit niyang mukha, siguradong mahuhulog agad sila sa sinab

