Chapter 20: Meeting The Strongest! Inihinto na ni Zac ang paggamit sa skill na Black Dragon Annihilator. Nawala na parang bula ang dambuhalang katawan ng dragon sa masikip na espasyo ng silid. "Limang minuto. Kung ganoon ay magkakaroon na ako ng kakayahang manatili sa ere ng limang minuto." Nakangisi ang binata sa nalaman na may abilidad na siyang manatili sa himpapawid ng limang minuto, mukha mang hindi gayon kahanga-hanga ang kakayahan na 'to, dapat isipin na kahit kailan ay hindi pa siya nakakita ng mga adventurer na kayang lumipad o manatili sa ere. Marami ring maitutulong ang paglipad sa kaniya. P'wede niyang magamit ang malawak na kalangitan para sa pag-ilag habang nagpapakawala ng mga atake sa kalaban. "At totoo ngang mas lumakas pa ang Black Dragon, kahit ang pisikal na lakas n

