Chapter 68: Richard Goodman's Past Life (Part 2) "AAAAHHH!" Miserable at nakakabinging sigaw ng bata ang bumulabog sa katahimikan ng madilim na gubat. Hindi niya kinaya ang masakit na kagat ng kuneho sa kaniya, mabilis pang bumaon sa balat niya ang mga pangil nito, at ilang saglit pa ay naramdaman niya sa leeg niya ang tumutulo pababa na malagkit at basang likido sa kinagat na parte ng leeg niya. Kahit na bata pa lang siya ay ilang beses na siyang nadapa o natalisod sa kaniyang ginagawang pakikipagkulitan noon sa kaniyang Lolo. Tuwing nadadapa siya noon ay nagkakaroon siya ng sugat sa tuhod at madalas siyang naiiyak sa sakit, at ngayong natuklasan niyang bumaon pa at dumugo sa delikadong parte ng katawan niya ang pangil ng kunehong nagmukhang halimaw para sa kaniya ay mas tumindi lang a

