Chapter 67: Richard Goodman's past life (Part 1) Goodman Family Territory, Dormitory! Masiyadong malaki at makapangyarihan ang Goodman Family. Kung hahayaan lang nila na walang limitasyon ang mga miyembro ay baka humina ang kontrol ng mga pinuno sa kanila. Kaya naman noong una pa lang ay napagdesisyonan na ng mga sinaunang pamunuan ng pamilya na hatiin sa tatlong faction ang pamilya. Unang faction ay tinatawag na Noble Faction; ang pinakamataas na grupo. Sila ang kasalukuyang namumuno sa Goodman Family, ang iba naman na kasali rito ay may mga magagandang posisyon sa kabuuan ng pamilya. Kapag ipinanganak ang isang miyembro sa faction na ito ay hindi na nila kakailanganin pang isipin ang hinaharap dahil siguradong may maire-reserbang posisyon para sa kanila. Pangalawang faction naman ay

