Chapter 66: Patriarch Hunts Zac Morgan! Mabilis at walang kahirap-hirap na nakabalik sa Sect ang Patriarch. Ginamit niya ang formation na nakatayo sa pinakamalapit na lungsod sa baryong napili nilang puntahan para makapag-usap ng Faction Master tungkol kay Zac Morgan. Sa halip na magpahinga sa Mortal Defying Mountain ay dumiretso ng lipad ang Patriarch patungo sa isang gusali na nakatayo sa Inner District, gusali kung saan mas makikita niya ng maayos ang epekto ng formation na may abilidad na kaya siyang hayaan na makita ang lahat-lahat ng mga nangyayari sa nasasakupan ng formation. Pumasok sa loob ng dalawang palapag na gusali ang Patriarch. Bawat tunog ng hakbang ng paa niya ay rinig na rinig sa tahimik na paligid. Huminto lang sa paglalakad ang Patriarch nang mapunta siya sa harap n

