Chapter 65: The News That Shocked The Capital! Nakakabaliw na katahimikan ang dala ng paligid. Ilang sandali pa ay umukit ang ngiti sa labi ni Zac Morgan at marahang nagwika,"Magkita na lang tayo sa susunod, Noble Faction Master." Kalmadong sabi ni Zac at ginamit na niya ang abilidad ng token na kaya siyang i-teleport pabalik sa Mortal Defying Sect. Nabalot ang buong katawan niya ng puting liwanag. Hindi naman ito ganoon kalakas, hindi masakit at hindi nakakasilaw sa mata kaya nanatili ang kalmadong tingin ni Lawrence sa mukha niya. Nakikita man ang nangyayari sa binata ay hindi pa rin kumilos si Lawrence para pigilan ito. Pero ang ngiti sa labi ni Lawrence ay nag-iba ng kaunti nang biglang maglaho na parang bula ang pigura ni Zac. "Oh? Mas malakas ang teleportation niya." Umiiling na

