Chapter 50: Sect Master! Sa maliit na silid na halatang itinayo para lamang sa isang tao, makikita sa loob nito ang isang bilog na lamesang gawa sa kahoy. Ang lamesa ay ordinaryo lang katulad ng iba, sa magkabilang banda nito ay may mga upuang may sandalan sa likod na gawa rin sa kahoy. Kasalukuyang inookupahan ng tahimik na binata at matanda ang mga upuan habang mayroong dalawang tsaa na nakahain sa lamesa. Ang dalawang ito ay si Grand Elder Damian at Zac Morgan! Kinuha ng matanda ang tsaa sa harapan niya at tinignan ang laman nito na umuusok pa ng kaunti sa init. Umukit ang repleksyon ng matanda sa tsaa at taimtim itong humigop. Pagbaba niya ng tasa ay nakangiti siya sa binatang nagsalita, "Inatasan ako ng Patriarch na alukin ka ng Sect Master na posisyon hangga't wala siya. Ang Se

