Chapter 49: Grand Elder! Masayang nakatulala si Zac sa kalangitan. Hindi niya mapigilang magdiwang sa mga natanggap niya matapos makaligtas sa mapanganib na Heavenly Tribulation. Hindi lang siya naging ganap na Rank 8, ang lakas ng pisikal na katawan niya ay sobrang lakas na at kung hindi man ito kasing lakas ng tunay na Rank 9, masasabing mas mahina lang siya ng kaunti sa mga ito. Idagdag pa ang Heavenly Skill, paano niya mapipigilan ang magdiwang? Protektado rin naman siya ng Heavenly Tribulation kaya wala siyang problema sa pagdiriwang. Subalit ang inaasahan niyang mga atake na pinakawalan ng Hari at Faction Master sa direksyon niya na dapat mawawala ay papalapit ng papalapit. Napuno ng pangamba ang puso niya at pakiramdam niya ay nasa matinding panganib ang buhay niya, hindi kagaya

