Chapter 48: Half-Immortal Body! Nang matanggap niya ang mensahe sa isipan, nabalot ng nakakasilaw na liwanag ang katawan niya na kahit nakakulong siya sa katawan ng dambuhalang Dragon, para siyang nasa labas na ang paligid ay nasasakupan ng sinag ng araw. Kahit si Zac Morgan na pinagmumulan ng liwanag ay hindi na napigilang ipikit ang kaniyang mga mata, subalit nakapikit man ay napakaliwanag pa rin ng nakikita niya. Habang nakapikit, unti-unting nanigas ang katawan niya na parang bato, pagtigas ng katawan niya ay bigla namang nagkaroon ng maliliit na bitak ang balat niya na unti-unting nasira at nalalaglag. Nang maubos ang mga nasirang balat sa katawan niya ay mas lumakas pa ang liwanag sa loob ng ilang segundo bago ito tuluyang maglaho. Bumalik sa pagiging madilim ang paligid niya. W

