Chapter 47: Start of the Heavenly Tribulation! Napakalakas at nakakapangilabot ang aura na inilalabas ng Three Noble Bullets. Isang tingin pa lang ay walang duda na hindi makakaligtas sa atakeng ito ang binata na nakalutang sa kalangitan, kahit na ilabas pa niya ang lahat ng mana sa loob ng katawan niya ay hindi pa rin ito sasapat para tapatan ang lakas ng Three Noble Bullet. Gayunpaman, hindi makikitaan ng pangamba ang mukha ni Zac Morgan, hindi, mapapansin ang pagiging balisa sa mukha niya subalit ang buong atensiyon niya ay nakatuon lang sa Heavenly Tribulation. Kaya naman ang dahilan ng pagiging balisa niya ay hindi dahil sa atake na pinakawalan ng Faction Master. Kung titignang maigi, parang wala pa nga siyang pakialam sa mga bala na inilabas ni Lawrence. Taimtim na nakikinig sa n

