Chapter 39: The might of Ancient Technique! Mabilis lumipas ang oras sa Ancient Realm. Ang ika-unang araw kung saan naranasan nila ang pakikipaglaban sa Prinsipe at ang pagtakas sa Wild Serpent ay parang kahapon lang, pero ang totoo, itong araw na ito na ang unang buwan nila sa Ancient Realm. Katulad nang ginawa ni Albert sa loob ng panibagong silid matapos tumakas sa lumang Throne Hall na pinapamahayan ng Demonic Beast, nanatili siyang nagmumuni-muni at ang bilis ng kaniyang proseso sa pagsubok na pataasin ang rank ay napakabilis! Ang Quasi Rank 7 niyang aura na tanging siya lang ang nakakadama ay mabilis lumalakas sa bawat mana na nahihigop niya. Pansin niya rin na palapit na ng palapit ang antas ng lakas niya sa Rank 7 kaya naman medyo sabik na siya. Sa oras kasi na makatungtong siy

