Chapter 52: Their reunion! Ang abandunang gusali na kinaroroonan ng magkapatid na si Rika at Riki ay nakatayo sa Danger City. Gamit ang kanilang tunay na antas ng lakas at technique na kayang itago ang aura kahit sa rank 9 ay nanatili silang ligtas dito sa loob ng mahabang panahon kahit na may dalawang Elder ng Mortal Defying Sect ang nagbabantay rito. "Ngayong sa tingin ko ay napatay na natin ang halos lahat ng mga kailangan nating tapusin ay magiging maayos na ang pagbabalik ni Master. Hindi na rin natin kakailanganing magtago sa mga rank 9 na nandito." Masayang sabi ni Riki at ang bumabagabag sa kaniyang dibdib na problema ay naglaho na. Siya ay mapagmataas kaya malaki ang tingin niya sa kaniyang sarili. Ang ginagawa nilang pagtatago sa mga Rank 9 na Adventurer ay malaking kahihiyan

