Chapter 53: Attempting to finish the quest! Tahimik na tinutugunan ng mga Disciple ang kani-kanilang ginagawa nang bigla na lamang lumindol ng napakalakas. Ang ibang kumakain sa mga lamesa ng silid nila ay mabilis humawak sa mga plato na muntik nang mahulog sa lakas ng lindol. Ang iba naman na umaabsorba ng mana sa paligid ay napatayo sa gulat. Iba-iba man ang ginagawa nila, magkakaparehas naman ang naging reaksyon nila sa lindol. Huminto sila sa kanilang mga ginagawa at mabilis na nagsitakbuhan palabas ng kanilang Dormitoryo, masiyadong malakas ang pagyanig ng lupa na pakiramdam nila ay malapit lang sa kanila ang dahilan ng pagyanig ng kalupaan. Madalas lamang yumayanig ang lupa kapag ang natural na kalikasan na mismo ang pinagmumulan nito. Pero maaari ring magkaroon ng malakas na pag

