Chapter 54: Rank 8 Techniques! Matapos patayin ni Zac Morgan ang Demonic Beast na umatake sa kaniya nang patago ay naging madali na ang pagtugis niya sa Wild Beast katulad ng inaasahan niya. Ang pinagkaiba lang ay higit na mas malaki ng maraming beses ang katawan ng Wild Beast na pinatay niya, kagaya ito ng mga normal na laki ng mga dambuhalang halimaw kaya ang puso nito ay natural na malaki rin. Mas tumagal pa nga ang kaniyang pagkain sa puso ng halimaw kaysa sa ginawa nitong pagpaslang dito na ni hindi man lamang umabot ng lalagpas sa tatlong segundo. [First Mission: Eat a Wild Beast's Heart - Completed!] [Second Mission: Eat a Demonic Beast's Heart - Completed!] Nang kainin niya ang dalawang puso sa magkaibang oras na ilang minuto lang ang agwat ay nakarinig ng mga mensahe ang binat

