Chapter 55: Kaito's and Shi's strength! Ang panahon ay mabilis na lumipas. Parang ilang oras pa lang silang nananatili sa loob ng silid na may aktibong formation na pinaghihigupan nila ng Mana Pill. Subalit ang ilang oras na inaakala nila dahil sa tindi ng pokus sa pag-absorba at dahil na rin sa pagkasabik sa nadaramang napakabilis na pagtaas ng Rank nila ay hindi na nila napansin na ito na pala ang ika-sampong araw nila sa silid. Hindi pa sila natutulog ng kahit isang araw pero walang mapapansing kahit na anong problema sa kalusugan nila. At sa ika-sampong araw nila ngayon ay tuluyan na nga nilang na absorba ang lahat ng laman ng Mana Pill. Tahimik na nakalupasay sa sahig si Kaito habang ang mga mata niya ay nakapikit. Ilang saglit pa habang nagmumuni-muni ay bigla na lang bumukas ang

