Chapter 56: Starting the plan! Sa mundo ng niyebe ay nanatiling nagsasanay sa kanilang mga Technique si Kaito at Shi. Mabilis na lumipas ang mga oras at malapit na agad mag-isang buwan simula nang pumasok sila rito para sanayin ang mga Technique. Noong mga naunang araw pa lang nila rito ay naipakita na agad nilang dalawa ang mga talento na maihahalintulad sa mga henyo at talentadong Adventurer ng mayayamang Clan at Faction. Mabilis ang naging proseso nila kumpara sa inaasahan ni Zac Morgan kaya masaya siya sa resulta. Kasalukuyang nakaupo sa sahig na niyebe ang tatlo. Nakabilog sila habang nakaharap sa isa't isa. Sunod-sunod ang mga butil ng niyebe na tumutulo sa kanila kaya ang mga buhok at balikat nila ay puno ng niyebe. Malamig ang temperatura at dapat ay nanginginig sila ng kahit kau

