Chapter 57: Noble Faction Sa gitna ng kagubatan ay may binatang may magulong brown na buhok ang nakatayo sa sanga ng malaking puno. Suot niya ang itim na balabal na nagtatago sa halos kabuuan ng katawan niya. May kalakasan ang ihip ng hangin na tumatama sa direksyon niya pero para siyang bato na hindi mapagalaw-galaw ng hangin, nanatiling maayos ang balanse ng tayo niya sa sanga habang hinahangin pataas ang buhok niya. Nakatingin siya sa harapan niya at ang direksyon ng tinitignan niya ay ang kalsada patungo sa pinakamalapit na lungsod. Sa baba niya ay ang malawak na daanan, hindi pa sementado ang daanan na ito pero ito ang pinipiling daanan ng mga manlalakbay na nasa karwahe dahil walang mga punong nakaharang at mas ligtas din dito. Ang lungsod na nasa harapan niya ay ang sinabi ni Za

