Nakatakas lamang ako sa pagkaipit ko kina Soren at Carson nang biglang lumapit si Demilyn sa kapatid ko dahilan upang mabitawan ako ni Carson. Kinuha kong oportunidad iyon upang takasan ang sitwasyon. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa pagitan ng dalawa, but they seemed close to each other. Dali-dali kong inalis ang pagkakahawak ni Soren sa akin at saka ako nagmadaling bumalik sa loob. Sumunod naman siya at si Isla May sa akin. "Did you already meet your sister?" rinig kong tanong ni Demilyn kay Carson. Mukhang hindi niya kami namukhaan. "Yeah..." tanging tugon ni Carson with a very soft voice. Hindi ko alam na mayroon siyang ganoong side dahil laging masama ang ugali no'n sa 'kin! "Prez, hindi pa ba tayo babalik sa hostel?" tanong ni Isla May habang hinahabol ako at pilit na sinasa

