Nagising ako nang dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko at parang hinahati sa dalawa ang ulo ko sa sobrang sakit. Kaya naman dinampot ko ang unan sa ulunan ko at saka sinaklob sa mukha ko upang hindi maistorbo ang tulog ko. Ngunit lalo akong nairita nang biglang mayroong humila sa unan dahilan upang muling tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Sinubukan kong imulat ang mga mata ko ngunit nasilaw lamang ako kaya hinayaan kong mag-adjust muna ang paningin ko, saka ko nilingon ang salarin sa pagkasira ng tulog ko. "Carter?" nasambit ko sa napapaos ko nang boses ngunit biglang rumagasa sa akin ang ilang mga pangyayari kagabi. Kaagad akong napabangon at napaupo sa kama, saka ko nasapo ang ulo ko nang maramdaman ang matinding pagkirot niyon. Napakurap ako nang maraming beses nang makitang u

