Chapter 25

1176 Words

Nakatulog ako nang hindi ko namamalayan. Nang magising ay naramdaman ko ang tuyong mga luha sa aking magkabilang pisngi. Bumangon ako at tinungo ang banyo. Nakita ko ang aking sarili sa salamin. Namamaga ang mga mata, mapula ang ilong at gulo-gulo ang buhok. Napailing ako. "Hindi pa nga kami nagkikita, wala pang relasyon pero ganito na ako kaapektado." Naghanda ako para maligo. Nang makatapos ay tiningnan ko ang oras. Alas nuwebe na ng gabi. Naupo ako sa gilid ng aking kama at nagpadala ng mensahe kay Nico. Nangamusta ako at sinabi sa kanila na ako ay maayos naman dito. Ibinaba ko ang aking cellphone at tinuyo ang aking buhok ng tuwalya. Habang ginagawa ko iyon ay narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Mabilis ko iyon na kinuha at nagbabakasakali na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD