“ANO ‘yan? Mukhang tutok na tutok ka diyan ah,” puna ni Alessandra sa asawa. Ibinaba niya sa mesita ang tray na may laman na isang pitsel ng juice at carrot cake. Muntikan ng matapon ang mga iyon nang walang ano-ano ay buhatin siya ni William. Bumalik ito sa pagkakaupo sa sofa na kandong siya. “Ano ka ba?” humahagikhik na tinampal niya ang dibdib nito. Tumawa naman si William. He cuddled her. “Hindi ko makita ang palabas,” protesta niya. Hinayaan siya ni William na makaupo sa tabi nito. Ibinuka nito ang isang braso at bahagyang tumagilid bago siya hinapit. Siyempre pa, kinikilig siya. Gustong-gusto niya kapag ganoong pagpapakita ng pagka-possessive ang asawa. Sumiksik na rin siya kay William. Tila hindi pa nakuntento ang kanyang asawa sa intimacy nila, ipinulupot pa nito ang

