Thalia's POV Hindi ko alam kung ilang oras na akong tulala at umiiyak habang nakatanaw sa labas ng bintana ng kotse. Ilang beses ko na bang sinasabi sa sarili kong pagod na ako? Na hindi na ko mag-aaksaya ng luha sa lalaking 'yon? "Stop crying, Thalia. Tama na. Hindi siya mahalagang tao na kailangan mong pag-aksayahan pa ng luha. Hindi makakabuti sa'yo kung palagi ka na lang iiyak." Ngumiti ako ng mapait kay Vlad at nag-iwas ng tingin. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko ng mahigpit kaya napatingin ako sa kanya. "Just always remember that I am here with you. 'Di kita pababayaan." seryosong saad niya. Napaiwas na lamang ako ng tingin at tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa akin. Katahimikan ang namayani sa palagid. Makalipas ang ilang minuto ay tinanong na niya ako sa kung ano ban

