Thalia's POV Kinabukasan ay napagdesisyunan naming lumuwas na ng Maynila at nangako silang tutulungan nila akong makasama muli ang anak ko. Hindi ko maiwasan maging masaya ngunit mag-alala din para sa kanila. Kung tutuusin hindi naman dapat sila nadadamay dahil issue namin 'to ni Lucas. Nakatulong naman sa akin ang pagpunta sa rest house ni Vlad. Mas nakapag-isip ako ng maayos kahit papaano. Mas naliwanagan din ako na hindi dapat ako magpadalos-dalos sa ngayon. Saka ko lang din naalala na kailangan kong pumasok sa trabaho kung saan kasama ko buong araw si Lucas. Ayoko namang isipin niya na isinasali ko pa ang mga personal na bagay sa trabaho. 'Yun nga lang ay hindi ko alam kung maaari pa ba akong pumasok sa opisina niya o hindi. Wala na din naman kasi akong balita sa kanya matapos noo

