Thalia's POV Dumoble ang kabog ng dibdib ko nang ipagpilitan niya halikan ako. Pilit man akong nagpupumiglas ngunit hindi niya ako hinahayaang makatakas. Lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa palapulsuhan ko. Walang patid ang pag-iyak ko sa kaalamang para na itong nawawalan ng control sa sarili. "Lucas! Hmp! Ano ba! Tang ina mo! Ang sama mo!" nanggagalaiti kong sigaw sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang punitin nito ang suot kong pang-itaas at hinigpitan ang pagkakasabunot sa buhok ko. Napapikit ako ng mariin at pinipigil ang sariling mapadaing. Para itong mabangis na hayop na wala ng makapipigil pa. Napapikit na lang ako ng mariin at ilang beses umusal ng panalangin na sana ay hindi pabayaan ng Diyos kahit ang batang nasa sinapupunan ko. Bumaba ang mga halik nito sa leeg

